Aklan News
National police clearance bill isinusulong ng CIBAC Partylist sa kongreso
ISINUSULONG ngayon ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist sa Kongreso ang National Police Clearance Bill.
Layunin ng naturang bill na pag-isahin na lamang ang NBI at Police Clearance.
Ayon kay Atty. Rey Traje, Chief of Staff ng CIBAC Partylist ito ay para sa pangangailangan ng mga ordinaryong tao.
Aniya pa ang lubos na tinatamaan ng mga maraming requirements ay ang mga mahihirap na nagsusumikap na makahanap ng trabaho kung kaya’t mas makabubuti kung pag-isahin o i-consolidate na lamang ang mga ito.
“Ito kasing sinusulong na batas na ito ng CIBAC Partylist is with partnership sa sinusulong din na batas ni Cong. Richard Gomez. So pinag-combine namin. Hindi naman siya magkapareho pero related kaya we aim na i-combined,” pahayag ni Traje.
Dagdag pa nito, “Ang aim na isinusulong namin ay iisa nalang ang requirement na kung may police clearance na so i-consolidate na. Kumbaga lahat ng records ng NBI i-consolidate natin para isa nalang ang pupuntahan.”
Samantala, ipinahayag ni Traje na nasa Technial Working Group na ang naturang bill.