Connect with us

Aklan News

“NATUTUWA NGA KAMI LALO KAMING SUMIKAT” – Rep. Lray Villafuerte sa pagdedeklara ng SP Aklan ng ‘Persona Non Grata’

Published

on

“Hindi naman kami nainis po,natutuwa nga kami lalo kaming sumikat.”

Ito ang sagot ni Sur 2nd district Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. kaugnay sa pagdeklara ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ng “Persona Non Grata’ sa kanya at tatlo pang kongresista ng CamSur na proponent na Bida Bill 2.

Ayon kay Rep.Villafuerte ang intensiyon lamang nila ay matulungan ang Boracay Island at ang mga taga-Aklan.

Dagdag pa nito, nais rin nilang mabigayan ng malaking pondo ang Boracay dahil ito ay maituturing na ‘natural treasure.’

“Ang intensiyon po namin, tulungan, pagandahin, ma-develop,” giit pa nito.

Inihayag ni Villafuerte na noong nakaraang 18th Congress, mahigit 200 ang naging co-author ng nasabing bill ngunit hindi lamang napasa sa Senado.

Pahayag pa ng kongresista na wala silang narinig  na pagtutol o pagkontra hinggil sa naturang panukala.

Kahit isang alkalde, isang board member o kahit si Vice-Governor ay hindi umano nila nagsalita ng pagtutol dito.

Aniya pa, kung nagsalita lamang ang opisyal mula sa Aklan ay paniguradong susundin niya ito dahil sila ang nakaka-alam ng kung ano ang tama at hindi para sa Boracay.

“Nagtataka lamang po kami, nung 2nd reading, committee hearing wala naman po kaming narinig na paglaban o paglabag sa plano. Hindi nga namin narinig ang isang Mayor, isang Board Member, Si Vice-Governor na kontra sila kasi kung nagsalita sana sila, eh di susundin ko ang gusto nila, kung ano ang ayaw nila.”

Binigyan-diin pa ni Rep. Lray na hindi lamang siya ang nag-file ng BIDA Bill kung kaya’t nakapagtataka kung bakit sila ang napag-initan ngunit maganda naman aniya ang nangyari dahil napag-usapan ito.

Samantala, binawi umano nila ang panukala dahil naki-usap sa kanya si Congressman Teodorico Haresco at si Cong. Carlito Marquez na bawiin ang nasabing bill dahil sila ay tutol dito.

Dahil dito ay hindi siya nagdalawang-isip at binawi niya rin ang pagsusulong ng Boracay Island Development Authority (BIDA) Bill o HB 1085 dahil malalapit niyang kaibigan ang dalawang representante mula sa Aklan.

Nalulungkot lamang umano sila sa pagdedeklarang Persona Non Grata ng SP Aklan ngunit hindi naman sila naiinis kundi mas ikinatuwa pa nila ito dahil mas sumikat pa sila.

“Yun lang nakakalungkot na nagde-declare sila ng mga ganyan [persona non grata], hindi naman kami nainis po, natutuwa nga kami lalo kaming sumikat,” saad pa ng kongresista.

Continue Reading