Connect with us

Aklan News

Naunang itinurong suspek sa pananaksak sa Altavas, pinalaya ng mga otoridad

Published

on

PINALAYA na ng Altavas PNP ang unang itinurong suspek sa pananaksak ng tatlong mga kalalakihan sa Brgy. Talon, Altavas nitong Linggo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSSgt. Richard Villar ng Altavas PNP, lumagpas na umano sa reglementary period na naka-kustodiya ito sa Altavas MPS at hindi pa umano maka-desisyon ang pamilya ng mga biktima kung kakasuhan na ito kaya’t siya ay pinalaya.

Kaugnay nito, may mga alegasyon na hindi siya ang nanaksak at iba umano ang may kagagawan sa krimen.

Ito aniya ang isa sa tinututukan ng mga kapulisan dahil may posibilidad na hindi lang umano isa ang sumaksak sa mga biktima.

Matatandaang, pagkatapos ng isang sayawan sa lugar ay nagkaroon nagkagulo sa labas ng court kung saan tatlo ang nagtamo ng tama ng saksak at isa rito ay nasa ICU sa ospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananaksak.