Connect with us

Aklan News

NCOV ARD UPDATE: AKLAN, MAY 4 NA CONFIRMATORY TEST RESULTS NA HINIHINTAY

Published

on

Kalibo, Aklan – APAT na Novel Coronavirus confirmatory test results mula sa Regional Institute of Tropical Medicine ang hinihintay ng Aklan Provincial Health Office kung saan ang mga ito ay specimen samples ng 4 na mga naging Persons Under Investigation sa Provincial Hospital.

Ayon kay PHO Aklan Dr. Cornelio Cuachon, Jr, wala pang resulta ang examination ng dalawang batang Chinese nationals na nakalabas at nakabalik na sa China.

Hinhintay din nila ang resulta ng test ng pinay flight attendant na naconfine noong nakaraang Huwebes at matatapos na ang incubation period ngayong araw kung saan wala na itong nararamdamang sintomas at maari ng lumabas bukas.

Ang pinakahuling kinunan ng sample for NCoV testing ay ang 17 anyos na Hong Kong Citizen na nagbakasyon sa Boracay at nakaramdam ng NCoV-like symptoms.

Naconfine ito sa Aklan Hospital noong Linggo at nalaman na meron din itong pneumonia kung saan bukas naman matatapos ang kanyang incubation period.

Samantala, bilang paghahanda sa direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte ay gagawin munang holding area ang Aklan Training Center sa Brgy. Old Buswang para sa mga arrival passengers sa Aklan airports na may travel history mula China, Hong Kong at Macau.

Magsasagawa muna ng information and education campaign sa mga mamamayan sa Old Buswang para hindi maalarma sa plano ng Aklan Provincial Government.