Aklan News
NEGATIBO NA ANG DALAWANG COVID-19 CASE MULA SA LEZO AT KALIBO
Ngayong araw na makakalabas sa Provincial Hospital ang dalawang Repatriated OFW na naunang nag-positibo sa Covid-19 na mula sa bayan ng Lezo at Kalibo.
Kinumpirma ito ni Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr. Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan.
Sa isinagawang repeat test sa dalawa maging ang kanilang personal contact ay nag-negatibo din ito.
Maging ang pamilya ni patient Lezo ay hindi nahawa noong siya ay lumabas kahit wala pa ang kanyang result.
Gayundin sa pamilya ng pasyenteng taga Kalibo na sumailalim agad sa Strict Home Quarantine bago dumating sa Aklan.
Kaugnay nito nag-negatibo rin ang dalawang staff ng MDRRMO Kalibo na siyang umalalay sa positive patient na taga Kalibo.
Sa ngayon isa nalang ang nananatiling nagpapagaling sa Provincial Hospital.
Sa kabuuang bilang nasa sampu ang naitalang naging biktima ng Covid-19 sa probinsya.
Sa ngayon hinihintay nalang ang resulta sa mga nakasalamuha ng fire officer ng BFP 6 na postibo sa COVID 19.