Connect with us

Aklan News

NEGATIVE RT-PCR RESULT, HINDI NA KAILANGAN SA MGA FULLY VAXXED TOURIST NA PAPASOK SA ISLA NG BORACAY

Published

on

Image: Jack Jarilla

HINDI na kailangan bilang requirement ang RT-PRC result sa mga turistang fully vaccinated na papasok sa isla ng Boracay.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order No. 001-A Series 2022 ni Aklan Governor Florencio Miraflores na epektibo ngayong araw, Pebrero 1.

Para sa mga turistang fully vaccinated, kailangan na lamang magpakita ng vaccination certificate na maaaring makuha sa vaxcert.doh.gov.ph o ang vaccination card na may QR code na inisyu ng mga lokal na pamahalaan.

Para naman sa mga partially vaccinated, kailangan pa rin magpakita ng negative RT-PCR test result sa loob ng 72 hours bago ang kanilang date of travel.

Nauna na dito, plano ng Malay Tourism Office na tanggalin ang nasabing requirement sa pagpasok sa isla.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Felix Delos Santos, hepe ng Malay Tourism Office sinabi nito simula nang gawing requirement ang negative RT-PRC result ay bumagsak na ang tourist arrival sa isla.

Aniya, mula sa 3,000 hanggang 4,000 tourist arrival sa loob ng isang araw ay bumaba ito sa 300 hanggang 400 na lamang.

Dagdag pa nito mas dagsa ang mga turista sa Boracay noong isinailalim sa Alert Level 2 ang lalawigan ng Aklan.

Umaabot umano sa tatlo hanggang anim na libong turista ang bumisita sa Boracay noong buwan ng Nobyembre at Disymebre ng nakaraang taon.

Samantala, ang buwan ang Disyembre ang may pinaka-mataas na bilang ng tourist arrival na umabot ng hanggang 67,000.

Ito ay dahil sa marami ang mga turistang nagtungo sa isla at doon nagdiwang ng holiday season.

Sa kabilang banda, nagpahayag si Delos Santos ng kahandaan sa muling pagdagsa ng mga turista sa isla ng Boracay.

Isa aniya sa mga pinaka-hinihintay ng Malay Tourism Office ay ang muling pagbabalik ng mga international tourist upang muling makaka-usad ang ekonomiya sa isla.