Connect with us

Aklan News

Negosyante, binaril-patay sa Venturanza, Banga

Published

on

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Venturanza, Banga pasado alas-5 ng hapon nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Romer De Juan, 42-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Punong Barangay Arnulfo Pastrana, nakarinig umano sila ng walong putok ng baril.

Dito na tumambad ang nakahandusay na katawan ng biktima na kalong-kalong ng kaniyang asawa.

Nagtamo ng tama ng pamamaril ang biktima sa kaniyang ulo, likod, hita at tiyan dahilan upang ideklara itong dead on arrival ng attending physician nang dalhin sa ospital.

Ayon naman sa ilang mga nakasaksi, may dalawa umanong lalaki na naka-helmet ang sakay ng isang motorsiklo ang nakita nilang humarurot papalayo sa lugar.

Wala naman umanong nakaaway ang biktima sa nasabing lugar at wala rin itong record sa barangay ayon kay Punong Barangay Pastrana.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga kapulisan sa posibleng dahilan ng pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.