Connect with us

Aklan News

Negosyante ng manok nasalisihan ng isang buntis na PWD

Published

on

Nasalisihan ng isang buntis na PWD ang isang negosyante matapos itong magpanggap na customer sa kaniyang tindahan sa Oyotorong St. Poblacion, Kalibo dakong alas-5:40 kaninang umaga.

Napag-alaman na 18-anyos pa lamang ang suspek na tubong Bugasong, Antique.

Ayon sa negosyante, madami umano ang napiling ipamili ng suspek na aabot sa halagang P4,500 na siya namang ikinatuwa  nito.

Pero lingid sa kaalaman nito, nasalisihan na pala ito ng nasabing suspek.

Pagkatapos na mabilang ang halaga ng umano’y ipapamili ay nagpaalam ito sa negosyante na kukunin lang muna nito ang sasakyan dahil sa dami ng pinamili nito.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi na raw bumalik ang suspek at natuklasan ng biktima na kulang na ang perang nasa loob ng kanyang bag na pambayad sana sa mag-dedeliver ng manok ngayong umaga.

P20,000 cash umano ang laman ng bag ngunit ang nakahiwalay na nakatuping P12,000 ang nakuha ng suspek.

Agad niya itong ini-report sa mga kapulisan at kalaunan ay nadakip ang suspek sa may bahagi ng Capitol Site.

Na-recover sa kanya ang P7,500 na pera at sinasabing ang ibang pera ay naibayad na nito sa kaniyang boarding house.

Napag-alamang, marami na umanong nabiktima ng nasabing suspek sa Antique pati na rin dito sa Aklan ngunit walang desididong magsampa rito ng kaso.

Sa ngayon ay nasa kustudiya ito ng Kalibo PNP at nakatakdang kasuhan ng nabiktima nitong negosyante.