Aklan News
New Washington Team kinopo ang kampeonato sa Aklan Meet athletics
Dinomina ng Team New Washington Athletics ang kampeonato sa athletics event ng 2019 Aklan Provincial Meet na ginanap sa Aklan Sports Complex.
Nakuha ng team ang mahigit 19 golds, 19 silvers at 15 bronzes medal sa naturang torneo.
Nanguna ang standout ng New Washington National Comprehensive High School na si Christian Ote nang masungkit nito ang apat na gintong medalya sa 100-meter dash, discus throw, javelin throw at 4×100 relay at isang pilak na medalya the 4×400 meter relay.
Ito na ang ikalawang panalo ni Ote mula sa nakaraang taon.
Hindi naman nagpahuli si Marc Angelo Daroy na nakakuha rin ng dalawang gintong medalya sa 400-meter hurdles at isang pilak na medalya sa 400-meter dash.
Nasungkit naman ni John Lesther Valencia Dalida ang gintong medalya sa 2000 meter walk.
Nakapagbigay-karangalan naman si Christian Villanueva ng silver medal sa 3,000-meter steeplechase at Adrian Justin Engracial ng bronze medal sa triple jump event.
Sasabak ang mga nanalo sa Aklan Provincial Meet bilang kinatawan ng Aklan sa gaganaping WVRAA Meet sa susunod na taon.
Source: panaynews.net