Connect with us

Aklan News

NGCP walang ‘proper coordination’ sa local government – Aklan Gov. Miraflores

Published

on

INIHAYAG ni Aklan Governor Joen Miraflores na walang ‘proper coordination’ ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa lokal na pamahalaan tungkol sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island nitong unang linggo ng Enero 2024.

“yung isa po naming na-experience specially sa NGCP is wala po silang proper coordination especially to the local government. There’s no communication po sa amin na established on how, why and when yung mga nangyari po sa blackout,” pahayag ni Miraflores sa isinagawang deliberasyon ng Committee on Energy.

Dahil dito, hindi niya rin aniya nasagot ng maayos ang mga reklamo at katanungan ng publiko hinggil sa blackout dahil walang koordinasyon ang NGCP.

“So, especially for me, the Governor, maraming nagtatanong, nagrereklamo so we cannot properly address those issues, problems dahil po yung tanggapan ng NGCP ay hindi po nagco-coordinate properly sa amin.”

Mas makabubuti ayon kay Miraflores na mabigyan kaagad sila ng update lalo na sa mga katulad nitong emergency power crisis upang magawan ng pamahalaan ng paraan katuwang ang local electric cooperative.

Sa paraang ito ayon sa gobernador ay malalaman kung saang lugar o bayan sa lalawigan ang mabibigyan ng prayoridad para sa distribusyon ng suplay ng kuryente.

Umaaasa rin ang opisyal na sana’y hindi na maulit ang ganitong sitwasyon dahil apektado aniya ang lahat ng mamamayan at sektor ng pamahalaan.