Connect with us

Aklan News

NHA kailangang magpaliwanag kaugnay sa mga nakatiwangwang na housing projects sa Aklan

Published

on

Nais pagpaliwanagin ni Board Member Nemesio Neron ang National Housing Authority (NHA) kaugnay sa mga hindi pa tapos at nakatiwangwang na housing projects sa lalawigan ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Neron, inihayag nito na mismong siya ay nakita at na-obserbahan na maraming mga housing projects sa Aklan ang mistulang pinabayaan na.

Ngunit hindi pa aniya huli ang lahat dahil may magagawa pa sila upang hindi naman masayang ang pera ng mamamayan.

Aniya pa, dapat na ipaliwanag ng NHA kung ano ang naging problema at kung ano ang maaaring solusyon na magagawa nila.

“Isaea ron sa aton nga katuyuan nga taw-an man naton it tsansa ro aton nga National Housing Authority (NHA) nga mag-eksplikar ham-an nagakaeatabo ro mga bagay ngaron ag kung ano ro solusyon, ano ro dapat naton nga himuon nga ro kwarta ngaron it gobyerno o naton nga mga pumueoyong Pilipinhon… Akeanon hay indi naton mahambae nga gin-amulitan,” pahayag ni Neron.

Saad pa nito, hindi rin maitatanggi na may mga collateral damages rin na naitatala ang ahensiya habang on-going ang proyekto.

“Pero dapat kung may una malang nga paagi nga mapuslan pa gid naton hay dapat naton nga himuon ron,” giit pa nito.

Samantala, sisikapin naman ng opisyal na magkaroon ng mga listahan ng mga housing project sa Aklan upang malaman kung ilan ang nakumpleto na at ang mga hindi pa.