Aklan News
“NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY” ipapatupad ng LGU Kalibo simula Oktubre 30
SIMULA Oktubre a-30, ipapatupad na ng Solid Waste Management Services (SWMS) ng lokal na pamahalaan ang “No Segregation, No Collection Policy” sa buong bayan ng Kalibo.
Ang implementasyon ng nasabing polisiya ay alinsunod sa Republic Act 9003 at Municipal Ordinance No. 2009-004.
Layunin nitong mabawasan ang basurang itinatapon gayundin na maiwasan ang negatibong epekto ng basura sa ating kalusugan at sa ating kapaligiran.
Bahagi rin ito ng pagsuporta ng LGU sa pag-unlad ng ating ekonomiya at itaas ang kalidad ng pamumuhay sa Kalibo.
Dahil dito, nanawagan ang LGU Kalibo ng buong suporta at kooperasyon sa lahat ng residente sa pamamagitan ng Proper Waste Segregation.
Simula Oktubre 30, hindi na kokolektahin ng mga Solid Waste Collectors ang mga basura na hindi sumunod sa Proper Waste Segregation at sisingilin ng kaukulang penalidad.