Connect with us

Aklan News

No Take Policy sa illegal gambling, inilunsad ng PNP sa Aklan

Published

on

APPO

Kalibo, Aklan – Mahigpit na ipinapatupad ngayon ng mga kapulisan ang ‘No Take Policy’ kaugnay ng kanilang kampanya kontra illegal na sugal.

Sa isang press conference ipinabatid ni APPO Provincial Director Police Colonel Esmeraldo P. Osia Jr. na ang ‘No Take Policy’ ay direktiba mula sa Chief PNP na mahigpit na nagbabawal sa mga pulis na tumanggap ng lagay o masangkot sa lahat ng klase ng illegal na sugal.

Iginiit ni Osia na walang exemption sa batas sa pagpapatupad nila ng kampanya sa illegal gambling.

Maging ang sugal sa lamay ipinagbabawal rin lalo na kung ito ay nasa pampublikong lugar at may sangkot na pera.

Pwede naman aniya na maglaro sa lamay kung pang family entertainment lamang at hindi na umaabot pa sa kalsada.

Kaugnay nito, kasong administratibo at kasong criminal aniya ang kahaharapin ng miyembro ng kapulisan na mapapatunayang sangkot sa illegal na gawain.