Connect with us

Aklan News

“NO VACCINE, NO ENTRY” IPINAPATUPAD NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT

Published

on

Nagpatupad na ng “NO VACCINE, NO ENTRY” ang gobyerno-probinsiyal ng Aklan kasunod ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan gayundin ng banta ng bagong Omicron Variant.

Batay sa Facebook post ng Aklan Province, ang sinumang nais pumasok sa opisina o departamento sa kapitolyo ay kailangang magpakita ng vaccination card sa guard on duty.

Ang nasabing hakbang ay batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang paggalaw ng mga mamamayan na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, humihiling ng pag-unawa at kooperasyon ang Aklan Provincial Government mula sa publiko upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng mga nagkakasakit at nahahawaan ng COVID-19.