Aklan News
NO VAXX, NO RIDE’ POLICY HINDI PA IPINATUTUPAD NG ILANG DRIVER AT OPERATOR SA AKLAN
Hindi pa naipatutupad ng ilang mga driver at operator sa Aklan ang “No Vaccine, No Ride” Policy.
Ayon kay Dionito Aranas, dispatcher ng GMS tours and terminal, wala silang hawak na konkretong basehan o pormal na memorandum mula sa pamahalaan na maaari nilang ipakita sa mga commuters kapag nagtanong ang mga ito.
Handa naman aniya silang ipatupad ang mandato kung may papel lang silang pinanghahawakan dahil para rin naman ito sa kapakanan ng mga pasahero.
“Ro problema, kung mag implementar kami hay kon isungay kami it mga tawo nga nagasakay kamon,” saad ni Aranas.
Kamakailan lang, ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang patakarang “no vaccination, no ride/entry” sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) habang umiiral ang Alert Level 3.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte na limitahan ang galaw ng mga taong hindi pa bakunado kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nitong Linggo, naglabas rin ng Executive Order No. 003 Series of 2022 ni Gov. Florencio Miraflores kaugnay sa striktong implementasyon ng Resolution No. 148-B series of 2021 ng National Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nag-rerequire sa lahat ng empleyado at mga nagtatrabaho sa sektor ng transportasyon na magpabakuna.