Connect with us

Aklan News

“NO VAXX, NO TRANSACTION” SA BARANGAY HALL NG TIGAYON, KALIBO LAYUNING MALAMAN ANG BILANG NG ‘UNVACCINATED’ 

Published

on

COVID 19 Vaccine

Nilinaw ng Tigayon Barangay Council na layunin ng kanilang “no vaxx, no transaction” policy na ma-determina ang bilang ng mga unvaccinated sa kanilang barangay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay punong barangay Gil Morandante ng Barangay Tigayon, Kalibo, sinabi nito na pinapahintulutan pa rin nilang makapasok ang mga hindi bakunado.

Ito ay taliwas sa mga haka-haka na hindi na maaaring makasagawa ng transaksyon sa kanilang tanggapan ang mga unvaccinated sa kanilang lugar.

Aniya, sa mga papasok sa kanilang tanggapan na hindi bakunado ay kailangan mag-fill-up ng isang form at ilagay ang dahilan kung bakit ayaw magpabakuna.

Samantala, sa mga nais namang magpabakuna ay hahanapan nila ito ng paraan upang mabakunahan laban sa COVID-19.

Pahayag pa ni kapitan Morandante, isa umano sa mga dahilan kung bakit mayroon pa rin silang mga residenteng hindi pa nababakunahan dahil sa malayo sa kanila ang vaccination area.

Pagdidiin ng punong barangay na hindi ito panggigipit sa kanilang mga mamamayan kundi isang hakbang upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan laban sa nakakahawa at nakamamatay na sakit dulot ng COVID virus.