Connect with us

Aklan News

Non-essential travelers, kailangan kumuha ng travel pass kung pupunta sa iba’t-ibang bayan sa Aklan

Published

on

Photo File

Nagpatupad ng mas pinahigpit na restrictions ang probinsya ng Aklan dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Batay sa bagong labas na abiso ni Governor Florencio Miraflores, kailangan nang magpakita ng travel pass ang isang non-essential traveler kung pupunta ito sa iba’t-ibang bayan sa Aklan batay sa napagkasunduan ng League of Municipalities of the Philippines-Aklan Chapter.

Ang travel pass ay makukuha sa mga opisina ng Municipal Mayor.

Hindi naman kabilang sa mga dapat na kumuha ng travel pass ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR).

Inabisuhan ng gobernador ang lahat ng alkalde at mga ahensya ng gobyerno na mahigpit na ipatupad ang implementasyon ng Heightened Restrictions sa ilalim ng EO No. 005-D, Series of 2021 at mga Additional Protocols at Guidelines na aprubado ng Provincial Inter-Agency Task Force.

Kahapon, July 23, inanunsyo ng National IATF ang bagong quarantine classifications sa buong bansa kung saan ang Aklan ay nananatiling kabilang pa rin sa mga napasailalim sa GCQ with heightened restrictions.