Connect with us

Aklan News

OMICRON VARIANT, POSIBLENG NAKAPASOK NA SA AKLAN – PHO

Published

on

May posibilidad na nakapasok na sa lalawigan ng Aklan ang Omicron variant ng COVID-19 batay sa pananaw ng Aklan Provincial Health Office (Aklan-PHO).

Sinabi ni Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon na batay sa kanilang monitoring sa unang lingo ng Enero 2022, nakapagtala na ang Aklan ng 103 cases na katumbas ng 27% positivity rate mula sa 381 swab samples.

“We are assuming na Omicron variant ra, based sa aton nga monitoring is until January 3, ang cases is kun amat zero, kun amat daywa, apat. Pero pag-abot it January 4 nag pito, tapos January 5 ag doble 15, tapos January 6 hay 39, January 7 hay 40, tapos January 8 hay 74 ag January 9 is 15. So in a span of one week, naka 103 cases kita out of 381, gani ro aton nga positivity rate in one week is 27%,” ani Cuachon.

Sampu sa mga nagpositibo sa virus ang naka-admit ngayon sa ospital.

Pero ayon sa doktor, nananatiling mababa ang healthcare utilization rate sa Aklan na nasa 1.67% pa lang.

Aniya pa, mabilis na kumalat ang Omicron variant pero mild lamang ang mararanasang sintomas ng isang indibidwal na tinamaan nito kung siya ay fully vaccinated na.

Delikado lang raw ito sa mga hindi bakunado at may mga comorbidities.

Kahapon, Enero 10, 2022, ang DOH ay nakapagtala ng 33,169 na karagdagang bagong kaso ng COVID-19 na itinuturing na all time high mula nang magsimula ang pandemya.

Inaasahan rin daw ng mga eksperto na mas tataas pa ito at posibleng umabot sa 40,000 kada araw. RT/MAS