Aklan News
“ONE DAY PASS” PWEDE NA SA BORACAY SIMULA BUKAS, JUNE 16


Papayagan na ng Provincial Inter-Agency Task Force ang “One Day Pass” sa mga taga mainland na gustong pumunta ng Boracay Island simula bukas, June 16.
Ito ang ipinahayag ni Atty. Selwyn Ibarreta, Chairman ng Technical Working Group ng PIATF sa exclusive interview ng Radyo Todo kanina.
Ayon kay Ibarreta bukas ito para sa mga Aklanon at non-Aklanon na gustong pumunta sa Boracay sa loob lamang ng isang araw mapa leisure man o essential ang punta doon.
Kailangan lamang umano nilang mag-iwan ng isang valid ID sa verification desk sa Caticlan Jetty port bago sila papayagang makapasok.
Ipapatupad pa rin ng provincial IATF ang “no booking, no entry” sa Isla dahil sa kanyang pagkakaalam 3 resorts pa lamang ang nabigyan ng pahintulot na magbalik operasyon at karamihan ay kailangan pang I assess ng compliance team kung nako-comply ang health protocol requirement na pinapatupad ng gobyerno.
Niliwanag din ni Ibarreta na hinihintay pa nila ang final order ng national IATF sa ibang mga guidelines sa ilalim ng MGCQ.
Kaugnay naman sa isyu ng pagbabalik ng mga commercial flights, sinabi nito na magsasagawa ng meeting ang mga lider ng bawat probinsya sa Western Visayas mamayang hapon para pag-usapan ito. Kinumpirma rin nito na mga sweeper flights lamang ang mga dumadating sa Western Visayas sakay ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs).