Connect with us

Aklan News

OPEN FORUM KAUGNAY NG PROPOSED CREMATORIUM FACILITY SA NUMANCIA, NAGING MAINIT

Published

on

OPEN FORUM KAUGNAY NG PROPOSED CREMATORIUM FACILITY SA NUMANCIA, NAGING MAINIT

Mahigpit na tinutulan ng mga taga Badio, Numancia ang panukalang pagpapatayo ng crematorium facility sa kanilang barangay.

Sa ginanap na open forum kahapon sa Barangay Hall ng Badio, Numancia, ibinida ni Rodrigo Coquia Jr., may-ari ng JustRod Crematorium at proponent ng nasabing proyekto, ang isang video diumano ng kanilang crematorium facility sa Pangasinan.

Sinabi ni Coquia na nag-ooperate ang kanyang crematorium sa nasabing probinsya at kumpleto umano nila ang mga kinakailangang permit.

Tiniyak din ni Coquia na walang dapat ikabahala ang mga taga Badio o ang publiko dahil sinusunod umano nila ang tinatawag na proper handling sa pag-cremate ng bangkay na biktima ng COVID-19.

Sinalubong naman si Coquia ng mainit na open forum kung saan kinwestiyon ng mga residente ng Barangay Badio ang pagpapatayo ng nasabing crematorium sapagkat residential area ang pagtatayuan nito.

Maliban pa dito, malapit sa mga ilog o sapa ang balak pagtayuan ng crematorium.

Tumulong sa pagpaliwanag ang taga Provincial Health Office at PENRO sa mga nasabing concern o alalahanin.

Nilinaw naman ng mga taga-Badio na hindi nila tinutulan ang paglalagay ng crematorium, subali’t huwag lamang sanang itayo doon sa kanilang lugar.

Continue Reading