Connect with us

Aklan News

Operasyon ng Libacao Water District hindi saklaw ng LGU Libacao

Published

on

Hindi saklaw ng Lokal na pamahalaan ng Libacao ang operasyon ng Libacao Waster District.

Ito ay ayon kay Mr. Rey Orbista, secretary ng Sangguniang Bayan ng Libacao sa panayam ng Radyo Todo.

Ani Orbista,“Medyo na-mislead ta kita hingan, kapin gid sa aton nga mga konsumidor. Ro pagdumdom ta abi ku aton nga mga konsumidor iya parte sa Libacao hay under ta sa Libacao LGU ro operation ngara it Libacao Water District, which is not.”

“Let us make it clear nga do Libacao Water District is a separate entity, an independent body nga naga-operate iya particular sa pag-provide it tubi sa aton nga mga konsumidor. Pero bukon ta ra imaw it haidaeom sa pag-ginahom or sa authority it aton nga Local Government Unit (LGU),” giit pa nito.

Kung pagbabatayan aniya ang P.D. 198 na pinirmahan pa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong taong 1973, ang nasabing local water district ay isang independent body.

Maliban na lamang sa power and authority ng Municipal mayor na mag-appoint ng mga miyembro ng Board of Directors.

Ang paglilinaw na ito ni Orbista ay sa kabila ng isyu at mga reklamo ng konsumidor ng Libacao Water District kung saan nagulat ang mga ito sa labis na singil sa bayarin sa tubig.

“Ngani ron hay sa aton nga mga konsumidor, kabay pa nga maeobtan ninyo ay kung amat hay medyo Mayor ta ro ginabasoe, Sangguniang Bayan ta ro ginabasoe… ay ginpabay-an.” saad pa ni Orbista.