Aklan News
Operasyon ng STL sa Aklan, lehitimo – legal counsel
Lehitimo ang operasyon ng Small Town Lottery o STL sa lalawigan ng Aklan.
Ito ang binigyan-linaw ni Atty. Christian Lloyd Javellana, legal councel ng Great Lion Ventures Inc. sa panayam ng Radyo Todo.
Ayon kay Javellana ang operasyon ng STL sa Aklan ay may kaukulang permit mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).
Aniya pa, nag-operate sila sa ilalim ng superbisyon ng PCSO at mapapaso pa ang kanilang permit sa July 2025.
“Legitimate. Meron po kaming permit from PCSO. We are operating legally under the supervision of PCSO until July 2025,” wika ni Atty. Javellana.
Ang Great Lion Ventures Inc. ang operator ng STL sa Aklan.
Kaugnay nito, ipinasiguro ni Javellana sa publiko na wala silang dapat ikatakot dahil lehitimo at may kaukulang dokumento ang kanilang operasyon.
“We are here to clarify those issues. Legal po kami. Hindi po sila dapat matakot,” ani Javellana.