Aklan News
Operating hours ng disco bars at videoke bar sa Kalibo, hanggang 1:00am na lang


NILIMITAHAN ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang operating hours ng mga bars at videoke bars sa bayan ng Kalibo.
Sa kanyang Executive Order No. 026 Series of 2022, nakasaad na ang mga disco bars, videoke bars at mga kaparehong negosyo ay dapat mag-operate ng alas-11:30 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw.
Kadalasan kasi inaabot ang ganitong mga uri ng negosyo ng mag-uumaga na kaya hindi rin nakakaligtas dito ang mga aksidente sa lansangan dahil naman sa kalasingan at matinding antok na ng mga pauwing kostumer.
Kaugnay nito, ipinagbabawal din ang mga convenience at sari-sari stores na magbenta ng mga nakalalasing na inumin simula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Samantala, ang curfew sa mga menor-de-edad ay magsisimula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Batay sa EO, makakatulong ito sa pagbawas ng krimen sa munisipalidad dahil malaking bilang ng mga menor-de-edad ang nasasangkot sa mga ito.
Ang tanging exempted lang sa curfew ay ang mga menor-de-edad na may health at emergency cases.
Ang EO No. 026 ay epektibo simula kahapon, Agosto 11, 2022. /MAS