Aklan News
OPERATION HOURS NG KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT MAS PINAHABA PA
PINAHABA pa ng Kalibo International Airport ang kanilang operasyon kasunod ng pagdami ng mga pasahero sa paliparan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., nakita nila ang unti-unting pagbabalik-sigla ng mga biyahero sa Kalibo International kaya’t nagdesisyon silang i-extend ang kanilang operation hours.
Mula sa dating alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi ay mas pinahaba pa nila ito hanggang alas-10:00 ng gabi dahil sa maraming mga flights na lumalapag sa paliparan.
Aniya pa, may kakayahan naman ang paliparan na makapag-operate ng gabi kapareho noong wala pang pandemya kaya’t ginamit nila ito.
Sa loob ng isang araw, nakakapagtala ng 7 arrival flight at 7 departure flights ang Kalibo International Airport o kabuuang 14 flights sa loob ng isang araw.