Connect with us

Aklan News

Opisina ng isang eskwelahan sa Ibajay pinasok ng kawatan, P100K natangay

Published

on

Pinasok ng hindi pa nakikilalang kawatan o mga kawatan ang Finance office ng Melchor Memorial School Inc Brgy. Laguinbanwa sa bayan ng Ibajay.

Napag-alaman na ilang estudyante ang nakapasin nitong Miyerkules ng umaga na sira na ang pintuan ng nasabing opisina.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa kanilang guard at doon na natuklasang pinasok ito ng kawatan.

Sa inisyal na impormasyon, natangay umano ng kawatan ang perang nagkakahalaga ng P100,000 na nakalagay sa isang steel cabinet.

Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng Ibajay Pnp kaugnay sa nangyaring insidente.