Connect with us

Aklan News

Opisina ni Mayor Sucro may paglilinaw sa ipinamahaging ayuda sa Kalibo

Published

on

Binigyan linaw ni Hon. Mark Sy, Spokesperson ni Mayor Juris Sucro ang ilang reklamo kaugnay sa hindi umano pare-parehong ayudang natanggap ng mga benepisaryo sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Sy inihayag nito na ang kanilang pinagbasehan lamang ay ang report na isinumite ng bawat barangay.

Ang unang report aniya ay aabot lamang sa mahigit 9,700 ang apektadong pamilya ngunit nagulat na lamang sila ng umabot ito ng hanggang 13,000 families.

Ito ang naging dahilan ayon kay Sy kung bakit hindi pareho ang laman ng bawat food packs na natanggap ng mga benepisaryo sa bayan ng Kalibo.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng alkalde, limitado na rin ang resources o pondo ng lokal na pamahalaan sa pagbili ng mga relief goods kung saan sapat lamang para sa limang libong tao.

“Tama ron nga bukon it paearehas ro ginpanupod nga mga food packs it LGU Kalibo dahil medyo limitado eon man abi ro resources or atong pondo it LGU ngani ro pagbakae naton it mga goods hay hasta eat-a sa mga 5,000 ka tawo. Ro una nga report it aton nga mga kabaranggayan, hay naga-abot eang sa 9,700 something families ro affected. Now, ku syang adlaw, nakibot kita ag mawron ngani nga may mga paeagas tana nga nag-abot eot-a 13,000 nga families eot-a ro affected.

Samantala sinikap naman ng lokal na pamahalaan na mabigyan lahat ang mga apektadong mamamayan ng Kalibo.