Connect with us

Aklan News

OPOSISYON PINANGHAHAWAKAN ANG NAUNANG ‘PRONOUNCEMENT’ NI SUCGANG NA HINDI ITO TATAKBO KUNG TATAKBO RING KONGRESISTA SA 1ST DIST. SI MAYOR RODEL RAMOS

Published

on

Pinanghahawakan ng grupo ng oposisyon ang naunang ‘pronouncement’ ni Board Member Atty. Harry Sucgang na hindi ito tatakbo kung magdedesisyong si Batan Mayor Rodel Ramos na tatakbo sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Aklan sa 2022 National and Local Elections.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan member at Vice Governatorial candidate Atty. Immanuel “Noli” Sodusta, hindi siya naniniwala na walang ideya si Sucgang sa pagtakbo ni Mayor Ramos dahil sa naunang pahayag nito.

Aniya, alam ni Sucgang na mayroong pag-uusap sa gitna ni Ramos at ng oposisyon.

Pahayag pa ni Sodusta, na desisyon at karapatan ni Sucgang ang tumakbo sa pagka-kongresista kahit na alam na niya ang balak ni Batan Mayor Ramos.

Dagdag pa nito na nagpahayag na rin umano dati si Atty. Sucgang ng pagreretiro sa politika.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Sodusta na kasama nila si Ramos bilang kongresista sa hanay nila ni dating Kalibo Mayor at Governor aspirant William Lachica.