Connect with us

Aklan News

Ordinansa kontra pasaway na mga kontraktor, mahigpit na ipatutupad

Published

on

Binalaan ng ilang konsehal ng Roxas City Council ang mga kontraktor sa lungsod na mahigpit nilang ipatutupad ang ordinansa sa mga kontruksyon at rehabilitasyon.

Una nang pinuna ng ilang konsehal sa kanilang regular session ang hindi maayos na konstruksyon ng kalsada sa Brgy. Cagay na nagdudulot ng matinding abala sa mga motorista.

Pinuna rin nila ang kakulangan ng mga early warning sign at tao na nagbabantay sa takbo ng trapiko. Napag-alaman na wala umano itong proper coordination sa city government.

Napagkasunduan sa konseho ang pagpapatawag sa Department of Public Works and Highway at City Engineering Office para pagpaliwanagin sa nasabing usapin.

Nagbabala si City Councilor Garry Potato na batay sa umiiral na ordinansa ng lungsod maaaring i-black-list ng pamahalaan ang mga pasaway na kontraktor.

Sa kanyang privilege sinabi naman ni Konsehal Midel Ocampo na dapat ay kumuha muna ng permit ang mga kontraktor sa city government kahit ang proyekto ay nasyonal o lokal.