Connect with us

Aklan News

Ordinansang naglalayong bumuo ng Kalibo Ati-atihan Festival Board (KAFEB) tatalakayin bukas

Published

on

Magsasagawa bukas, Setyembre 14 ng committee hearing ang Sangguniang Bayan ng Kalibo upang talakayin ang ordinansang naglalayong bumuo ng Kalibo Ati-atihan Festival Board (KAFEB).

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB member Ronald Marte, sinabi nito na ang KAFEB ay sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan ng Kalibo.

“Gin-ubrahan imaw it ordinansa para ipasueod imaw kahapon sa amon nga session ag ma-committee hearing kami hin-aga para talakayon eon duyon nga ordinansa.”

Aniya, ang KAFEB ay hindi katulad ng KASAFI at KASAMACO na ang namamahala ay isang NGO.

Ang mga magiging miyembro ng KAFEB ay empleyado ng LGU Kalibo kung saan ang magiging chairman ay si Kalibo Mayor Juris Sucro.

Saad pa nito na magkakaroon pa rin naman ng koordinasyon ang LGU Kalibo sa mga NGO na may kaugnayan sa Ati-atihan Festival at turismo.

Samantala, kinasasabikan na sa ngayon pa lamang ng publiko ang opening salvo ng Sto. Nino Ati-atihan Festival 2023 sa Oktubre a-8.

Nauna nang isiniwalat ng LGU Kalibo na maraming sorpresa at pasabog ang naturang aktibidad.

Ito kasi ang kauna-unahang face-to-face na selebrasyon ng Sto. Nino Ati-atihan Festival 2023 sa nakalipas na dalawang taon dahil virtual lamang ang naging selebrasyon noon dahil sa COVID-19 pandemic.