Aklan News
OVERLOADED NA MGA SASAKYAN, DAHILAN NG MADALING PAGKASIRA NG BANGA-LIBACAO PROV’L ROAD
OVERLOADED na mga sasakyan lalo na ang 10-wheeler trucks na naghahakot ng bato at buhangin mula sa Aklan river ang isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit madaling nasisira ang konkretong Banga-Libacao provincial road.
Ito ang naging pahayag ni Engr. Moriel Macavinta na siyang namumuno sa Maintenance Division ng Aklan Provincial Enginers Office (PEO) Aklan.
Ayon kay Macavinta, hindi kinakaya ng nasabing provincial road ang bigat ng mga malalaking sasakyan na may kargang bato at buhagin na karamihan ay tumitimbang ng 20 tonelada dahil hanggang 8 tonelada lamang ang kapasidad nito.
Ang kawalan din umano ng weighingbridge ng Aklan Provincial Goverment ang isang dahilan kung bakit hindi basta-bastang nasisita o nahuhuli ng Taskforce Kalikasan ng probinsya ang mga overloaded na sasakyan.
Samantala, malapit na umanong matapos ang ginagawang rehabilitation at concreting ng nasirang bahagi sa Barangay Bacan, Banga na irereklamo ng mga motorista at natapos na rin ang bahagi nito kung saan isang kasapi ng PNP ang naaksidente at namatay.
Subalit ayon kay Engr. Macavinta may nasira na rin na bahagi ng Barangay Lapnag, Banga na kailangang ayusin.
Pinabulaanan rin ni Macavinta na may nangyari nang turn-over sa nasabing kalsada upang maging national road sa ilalim ng maintenance at supervisions ng DPWH dahil hindi anya pasado sa standard ang Banga-Libacao Road upang gawing national highway.