Aklan News
“Owa ta kami ga-oppose sa pag-establisar it mga bike lanes” – VG Quimpo
NILINAW ni Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo na hindi sila kontra sa itinatayong bike lanes sa lalawigan ng Aklan.
Kasunod ito ng resolution ng Sangguniang Panlalawigan na umaapela sa Department of Transportation (DOTr) at Department Of Public Works and Highways (DPWH) na suspendihin muna ang implementasyon ng nasabing proyekto.
Ayon sa bise gobernador, may epekto sa daloy na trapiko at negosyo ang pagtatayo ng naturang mga bike lanes.
Aniya pa, mawawalan rin ng halaga ang ginawang road widening ng pamahalaan.
Sa isinagawang legislative inquiry nitong Setyembre 5, ipinaabot ng bise gobernador sa mga kaukulang ahensiya ang kanyang opinyon hinggil dito.
“During sa amon nga legislative inquiry nga ginhiwat ku September 5, ginpa-abot nakon ro akon nga mga sentiemento, opinyon ag concerns nga bukon eamang nga it will restrict the flow it traffic kundi it will adversely affect commercial activities in the area. Hay kasayod man kita sa sitwasyon sa Roxas Avenue ag butangan naton it bike lanes on opposite sides of the highway ag may mga separators pa ron in the form of flexible bollards kundi poste gid-a ag exclusive, dedicated sa bike lanes. Bu-ot singhanon indi eon ron magamit ku ibang motorista,” pahayag nito.
Dagdag pa ni Quimpo, “Siin ma-load ag unload it passengers ag goods? Una sa tunga it kalye, sa inner lanes ay ruyon malang ro available?”
Kaugnay nito, nilinaw ni Vice Gov. Quimpo na hindi sila kontra sa implementasyon ng nasabing proyekto kundi nais lamang nila malaman ang designs of specifications ng proyekto at kung saang mga lugar ito ilalagay.
“Owa ta kami ga-oppose sa pag-establisar it mga bike lanes. Ro amon tana nga ginapa-abot nga concerns hay ro anda nga designs of specifications ag kung siin nga mga lugar nanda ibutang especially kung may una gid-ana nga mga separator, may mga guide post or may flexible bollards post. Duyon ro aton, dapat pillion ro mga areas,” paglilinaw ng bise gobernador.