Aklan News
P100K na pabuya alok ng lokal na pamahalaan vs killer ni dating konsehal Rondario
Malinao, Aklan – Nag-alok ng pabuya si Malinao Mayor Josephine Iquiña sa kung sino man ang makapagtuturo sa mga suspek na nasa likod nang pagbaril-patay kay dating Sangguniang Bayan member John Rondario.
Ayon kay sa alkalde, nagsumikap silang lumikom ng halagang P100, 000 para mas mapabilis ang pagresolba ng krimen.
Una rito, binaril-patay ng mga hindi pa nakikilalang suspek si Rondario nitong nakaraang linggo habang sakay ng motor pauwi sa kanilang bahay sa San Roque.
Kasalukuyang inaalam ng mga otoridad kung sino o sinu-sino ang mga taong responsable sa pagpatay kay Rondario.
Continue Reading