Connect with us

Aklan News

P105K tinatayang danyos sa pagkasunog ng 2 palapag na bahay sa Tigum, Buruanga

Published

on

AABOT sa P105,000 ang tinatayang danyos sa pagkasunog ng dalawang palapag na bahay sa Sitio Tigis, Barangay Tigum, Buruanga, Aklan.

Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Rafael Magbanua.
Ayon kay FO2 Jonathan Señil, fire investigator ng BFP Buruanga, gawa lamang sa mixed materials ang bahay ni Magbanua kaya’t mabilis itong tinupok ng apoy.
Napag-alaman na walang tao sa bahay ng mangyari ang sunog.
Wala namang may nasugatan sa insidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Buruanga upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.