Aklan News
P108M NA PONDO KONTRA COVID 19 PANDEMIC, INAPROBAHAN NG SP-AKLAN
Inaprobahan ng SP Aklan sa kanilang 42nd regular session ang ordinansang magbibigay ng P20M na subsidy sa 17 munisipalidad sa Aklan para sa kanilang COVID 19 pandemic na mga program, proyekto at aktibidad.
Ganon din ang P36M na Assistance to Individuals in Crisis Situation dahil sa Covid 19 pandemic. Ang kabuuang P56M na ito ay mula sa savings ng provincial government noong 2018 at 2019.
Kasabay ding inaprobahan ang ordinansang pag-appropriate ng P52,452,105 para sa pagbili nga mga PPEs P16,561,500, hospital equipment P25,117,963.20, Medicines /vitamins P5,115,841.80, at hospital supplies P3,656,800.
Ang pundo na ito ay kinuha sa share mula sa Bayanihan Grant para sa mga probinsya.
Continue Reading