Connect with us

Aklan News

P10K reward, ibibigay ni Mayor Juris Sucro sa makapagtuturo sa lalaking sinasabing nanghablot ng CP ng 2 estudyante kahapon

Published

on

PHOTO: Maila Ruiz/Facebook

Patuloy na iniimbestigahan ng Kalibo PNP ang reklamo ng dalawang estudyante na nabiktima umano ng phone-snatching Huwebes ng tanghali sa loob ng Kalibo Municipal Cemetery.

Batay sa alegasyon ng mga biktima, naglalakad na sila pabalik ng eskwelahan nang biglang lumapit ang suspek na nakasuot ng dilaw na damit at may bitbit na helmet.

Bigla umano nitong hinablot ang dalawang cellphone na hawak ng mga biktima at saka tumakas.

Tinitingnan pa ng mga kapulisan ang mga CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Agad naman na nag-anunsyo si Mayor Juris Sucro na magbibigay ng P10,000 na pabuya sa kung sino man ang makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng umano’y snatcher.