Connect with us

Aklan News

P10M BAWAS KITA NG AKELCO KADA BUWAN NGAYONG MAY PANDEMYA

Published

on

Malaking dagok sa Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang milyones na bawas sa kinikita nito buwan-buwan dahil sa pandemya.

Ayon kay Akelco OIC General Manager Mega A. Mortalla, halos kalahati sa kinikita ng AKELCO ang nagmumula sa isla ng Boracay, “Almost one half of it’s sales hay gahalin gid sa Island it Boracay.”

Bago aniya magpandemya, nasa 30 million kwh ang sales nito kada buwan, pero nang mag-umpisa ang pandemic ay bumaba ito sa 20-21 million kwh kada buwan.

Ibig sabihin nito, nababawasan ng P10 milyon ang kinikita ng AKELCO kada buwan dahil katumbas ng kada kwh ay piso.

“Vulnerable kita when it comes to Boracay nga sales, because kung matan-aw naton atong comparative sale ko 2019 ag 2020, mas abo atong commercial sales due to Boracay, naka up pa abi ro Boracay ko 2019, come 2020, drastically nag drop gid imaw, so mas abo ta atong residential sales ko 2020, pero very significant gid ro anang decline,” paliwanag ni Mortalla.

Nahirapan rin daw ang AKELCO sa pangongolekta ng mga bayad dahil sa mga ipinapatupad na lockdowns at mahigpit na mga restrictions.

Dahil dito, nagsagawa umano sila ng strategic planning at isinama sa prayoridad ang operations maintenance.

Nagbawas sila ng mga controllable expenses at hindi nagsagawa ng office improvement, hindi rin sila bumili ng mga bagong sasakyan.

Nakatulong din aniya sa pag-bawas ng mga gastusin ang pagsuspende ng mga aktibidad gaya ng founding anniversary, Annual General Membership Assembly (AGMA) at Christmas party.

“Mamamaluktot tayo sa maiksing kumot,” saad pa ni Mortalla.

Kaugnay nito, masayang ibinalita ni Mortalla na naging matagumpay ang kanilang isinagawang 38th AGMA nitong Sabado.

Masaya niyang ipinahayag na naabot nila ang 28,000 registrants na lagpas sa kanilang target na 5% ng kanilang kabuuang bilang ng miyembro/konsumidor.

Inihayag naman niya na umabot sa P3 milyon ang kanilang nagastos sa AGMA at kalahati agad nito ang napunta sa papremyo ng kanilang pa-raffle.