Aklan News
P10M NA DONASYON NI CONG. PULONG DUTERTE SA DRMSH, PWEDE NANG MAGAMIT
Maaari nang gamitin ng mga Aklanon ang P10 milyong ibinigay na tulong ni Congressman Paulo “Pulong” Duterte sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH).
Ayon kay Medical Social Welfare Generiza Oropeza ng Malasakit Center, maaari na raw itong gamitin simula ngayong buwan kahit na hindi pa na i-download ang pera dahil ito ay obligated na.
Pero nilinaw ni Oropeza na ang makaka-avail lamang ng P10 milyong donasyon ay yaong mga pasyenteng nasa charity ward.
Kung nasa private room naman ang pasyente ay dapat mayroon itong payo galing sa doktor ng ospital na dapat ang siya ay ilagay sa pribadong silid.
Aniya, ang maximum na makukuhang tulong ay nasa P50,000 lamang.
Dapat rin na may maipakita silang certificate of indigency bago humingi ng tulong sa Malasakit Center.