Connect with us

Aklan News

P148M LOAN NG AKLAN LGU PARA SA 26 PROJECTS NG PROBINSIYA, MATAGAL NG NAKAPALOOB SA ANNUAL BUDGET – VG QUIMPO

Published

on

Isinalaysay ni Aklan Vice Governor Atty. Boy Quimpo na ang mga proyektong nais pondohan sa uutanging P148 million pesos ng Aklan provincial government ay hindi na bago dahil nakapaloob na ito sa kanilang annual budget for calendar year 2020-2021.

Sa katunayan aniya ito ay 26 na mga proyekto na nagmula sa panukala ng mga Local Government Units (LGUs) noon pang 2020.

“Ro mga proyekto ngara, 26 ra nga mga proyekto ra. Bukon ta ra it bag-ong mga proyekto, ginproponer eot-a ra it atong mga LGUs, munisipyo, kabarangayan, wayback in 2020…”, pahayag ni Quimpo.

Ani ng bise-gobernador, aprubado na ito para sa taong 2021 at ang pondong nakalaan para dito ay manggagaling sa 20% ng Development Fund at 5% ng IRA fund.

“…ro andang funding source kara, hay sa 20% development fund ag 5% sa IRAs fund, so aprubado eot-a ra sa 2021, sueod eot-a sa budget for 2021”, dagdag pa ng bise-gobernador.

Kwento pa ni Quimpo na nitong 2020, dahil nasa pandemya tayo, napagdesisyunan ni Governor Joeben Miraflores at ng gobyerno-probinsiyal na magkaroon ng alokasyon ng pondo upang ibili ng COVID-19 vaccine.

“…ofcourse sa sueod kita it pandemya, ginpakamayad it aton nga gobernador ag ko aton nga provincial government it aklan nga mag set aside, mag alokar it pondo pambakae it bakuna for covid 19”, ani Quimpo.

Dahil dito, ipinanukala nila sa Landbank of the Philippines at Department of Budget and Management (DBM) na hihiram sila ng pondong nagkakahalaga ng mahigit P200 million upang maibili ng bakuna at iba pang mga pangangailangang medikal.

“…duyon ro aton nga ginproponer sa Landbank, ag even sa DBP nga kung puwede hay maka-hueam kita it pondo pambakae it bakuna, ro aton kato nga ginproponer including ro mga iba pa nga medical needs about 200 million”, saad ni Atty. Quimpo.

Subalit, inabisuhan aniya ng bangko ang provincial government at si Gov. Miraflores na hindi sila puwedeng umutang ng pondo para ibili ng bakuna.

Naging problema umano nila kung saan makakahanap ng pera upang ibili ng bakuna na kung sakaling magkaroon sila ng transaksiyon ay mayroon silang pambayad.

“… so nagka-problema, siin kita mkaron mausoy it kwarta nga para may aton nga mai-alokar, nga haum kita kung matigayon ro transakyon hay may aton nga pambayad sa bakuna”, dagdag pa nito.

Ang nangyari ayon kay Vice Gov. Quimpo ay napagdesisyunan nilang magkaroon ng proposisyong i-realign o i-reprogram ang mga pondo na nakalaan para sa mga priority projects ng probinsiya upang matugunan muna ang problema nila sa pondong pambili ng bakuna kung saan pinagtibay ito ng isang resolusyon.

“…so ruyon ro natabo, ro pondo it 26 projects ngato nga aprubado eon, sa annual budget eot a ron, nagpasa kami it sangka resolution nga gina re-align, re-program ro mga pondo ngato for the 26 projects puro mga LGUs projects, ag i-reallocate sa pambakae it bakuna”, saad ng opisyal.

Sa kabilang banda, kailangan na nila ngayon na maibalik ang pondo para sa nasabing proyekto kaya nagkaroon sila ng rekomendasyon na ipagpatuloy ang pag-utang ng probinsiya dahil ito rin aniya ang nauna na nilang plano.