Connect with us

Aklan News

P1M NA BUDGET PARA SA CHRISTMAS PARTY NG LGU-NABAS, PINABULAANAN NI MAYOR JAMES SOLANOY

Published

on

P1M NA BUDGET PARA SA CHRISTMAS PARTY NG LGU-NABAS, PINABULAANAN NI MAYOR JAMES SOLANOY

Pinabulaan ni Nabas Mayor James Solanoy na over-pricing ang budget sa pinaplano nilang christmas party na gaganapin sana sa Hue Hotel and Resorts sa isla ng Boracay.

Paglilinaw pa ni Solanoy na ang kanilang isasagawa ay year-end seminar at hindi christmas party.

Sa katunayan aniya ay wala siyang ideya pagdating sa usaping ito dahil mayroon in-charge para dito at mukhang hindi naman matutuloy ito.

Pahayag pa ng alkalde na walang katotohanan ang akusasyon na mula sa P300,000 pesos na budget ay nais niya itong gawing 1 milyon piso.

Dagdag pa nito na wala pa siyang nakukuhang impormasyon mula sa kanyang mga department head na siyang in-charge para sa nasabing year-end seminar.

Maaari aniyang plano ng mga nakatokang nag-budget para dito ay upang may magamit pa sila sa kanilang iba pang expenses.

Ang importante ayon kay mayor Solanoy ay masunod ang mga requirement na kailangan para sa Commission on Audit o COA.

Sa kabilang banda, nagpahayag ng pagsang-ayon si Mayor Solanoy sa operasyon ng mga sabungan sa kanilang bayan basta’t may mandato mula sa National IATF at Provincial IATF.

Aniya, pipirmahan niya ang permit ng sabungan subalit lilimahan lamang nila sa 30 porsiyento ang taong makakapasok at dapat ay fully vaccinated.

Sa katunayan ayon sa alkalde ay 20 katao lamang ang kanyang pinapayagan na makapasok sa sabungan upang masigurong nasusunod ang minimum health standard.

Pagpapasiguro pa ni Solanoy na walang aktwal na pustahang magaganap sa loob ng sabungan.