Connect with us

Aklan News

P1M premyo sa tatanghaling kampeon sa Kress Cup 2023 Bancarera Philippines National Championship sa Malay

Published

on

PHOTOS: Bancarera Philippines/Facebook

Tumataginting na isang milyong piso ang iuuwing premyo ng tatanghaling kampeon sa Kress Cup 2023 Bancarera Philippines National Championship.

Batay sa post ng Malay-Boracay Tourism Office, gaganapin ang prestihiyosong kompetisyon simula bukas Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 19 sa Brgy. Balusbos, Mainland, Malay.

Ang taunang motorboat racing competition ay lalahukan ng iba’t-ibang grupo mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa stock category, makakatanggap ng P300,000 ang magiging kampeon, P200,000 naman sa second place at P100,000 ang third place.

Nasa P1,000,000  ang mapapanalunan ng tatanghaling champion, P500,000 naman sa second place at P250,000 sa third place sa open category.

Ito ang itinuturing na umanoy pinakamataas na premyo sa history ng kompetisyon.