Aklan News
P2 na dagdag pasahe sa multicab sa Banga-Kalibo vice versa, ipinatupad na
Ipinatupad na kahapon ang dalawang pisong dagdag sa pamasahe sa mga multicab na biyaheng Banga-Kalibo vice versa.
Mula sa dating P20, tumaas na sa P22 ang pamasahe ng mga regular na pasahero habang nasa P18 naman ang singil sa mga estudyante, Persons with Disability (PWD) at senior citizen.
Pumayag naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P2 provisional fare increase para sa mga multicab.
Nilagyan na rin ng mga “notice of provisional fare increase” sa loob ng mga sasakyan.
Dapat sana ay Hulyo pa ipatutupad ang dagdag pasahe pero inatras dahil na rin sa nagpapatuloy na pandemya.
Ang taas pasahe ay kasunod na rin ng nagpapatuloy na oil price increase at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Continue Reading