Aklan News
P20 MILYON, IPINANGAKONG TULONG NI SEN. BONG GO SA PAGPAPAGAWA NG NASUNOG NA KALIBO PUBLIC MARKET
Kalibo, Aklan – Pinangako ni Senador Christopher Laurence “Bong Go” na magbibigay sila ng P20 milyong tulong pinansyal sa pagsasagawa ng nasunog na Kalibo Public Market.
Ito ay matapos ang kanyang pagbisita kahapon sa nasunog na pamilihang bayan ng Kalibo.
Unang binisita ni Sen. Go ang palengke bago ito sumakay ng motor papunta sa Magsaysay Park kung saan naghihintay ang mga biktima ng sunog.
Doon na rin nito ipinahayag na siya na mismo ang hihiling kay Presidente Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng bagong palengke.
“Ako na po ang hihiling kay Pangulong Duterte na papondohan kaagad ng P20 milyon ang inyong public market para makabalik kaagad, pagandahin na natin ang market ninyo,” saad ni Go.
Maliban sa ipinangakong tulong pinansyal ay nagbigay din ito ng mga groceries at cash sa mga nasunugan.
Nabanggit din ni Go gusto na niyang mapadali ang pagbukas ng Malasakit Center sa Aklan upang makatulong sa mga mahihirap na pasyente