Aklan News
P20K NA PERANG INIPON NG ISANG PANADERO, NINAKAW


Maluha-luha ang isang panadero nang madiskubre na nawawala ang kanyang perang inipon para sana sa bayarin sa ospital sa panganganak ng kanyang asawa.
Ayon sa biktimang si Jonel Rontale, 44 anyos ng Jaime Cardinal Sin Avenue, Brgy. Pook Kalibo, maaga pa siyang gumising kanina para buksan ang oven nang mapansin niyang bukas na ang gate ng kanilang tindahan.
Kinabahan siya at nang tingnan nito ang kanyang tinagong pera sa isang lata ay nadiskubre niyang nawawala na ang may nasa P20,000 na perang mula sa kita ng kanilang maliit na tindahan at bakery.
Tinangay rin ng kawatan ang 5 ream ng sigarilyo na naka display sa tindahan.
Naniniwala si Rontale na hindi lang isa ang suspek na tumangay ng kanyang pera.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay ng insidente.