Connect with us

Aklan News

P21 milyon, inisyal na danyos na iniwan ng sunog sa hardware sa Boracay

Published

on

PHOTOS: BFP Malay

Nag-iwan ng humigit kumulang P21 milyong danyos ang sunog na tumupok sa hardware na MV Trading sa isla ng Boracay nitong Miyerkules, Hunyo 21.

Batay sa ulat, ang MV Trading ay pagmamay-ari ni Marvin Vasquez.

Nagmula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali at mabilis na kumalat dahil sa mga light at flammable materials tulad ng mga pintura, kahoy, at thinner na tinitinda ng hardware.

Nagsimula ang sunog mga dakong alas-9:00 ng umaga.

Agad na nakontrol ang sunog pero kaninang madaling araw na idineklara ng BFP Malay ang fire out.

Halos walang natira sa mga stocks na construction supply ng MV Trading at nadamay din sa sunog ang isang bahay kubo na katabi nito.

Malaki rin ang naitulong ng mga firewall ng mga katabing establisyemento kaya naiwasan ang mas malaking pinsala ng sunog.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga bombero para malaman ang sanhi ng nasabing sunog.

Via MAS