Aklan News
P221 MILYONG PONDO PARA SA COVID-19 RELATED PPA’s, INAPRUBAHAN NG SP AKLAN
Opisyal na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa kanilang plenary session ngayong araw ang P221million na pondo para sa covid-19 related Programs, Projects and Activities o PPA’s.
Ito ay kasunod ng kahilingan ni Aklan Governor Florencio Miraflores na isama ito sa 2021 annual investment program ng probinsya base na rin sa resolusyon ng Provincial Development Council na sya ring tumatayong provincial chairman.
Kalakip sa nasabing pondo ang pagbili ng anti-COVID-19 vaccine na umaabot ng P195 million, P5 million para sa refrigerators at syringes at ang pagbili ng 7 ambulansya.
Ayon naman sa request ng gobernador na manggagaling naman ang P221million na pondo mula sa internal sources kasama na ang loan.
Samantala, layunin ng gobyerno probinsyal ng Aklan na mabakunahan ang lahat ng Aklanon laban sa nakamamatay na COVID-19 na libre o walang bayad.