Aklan News
P23K HALAGA NG ABANDONADONG COCO LUMBER, NAREKOBER
Makato, Aklan – Umabot ng 1,155 board feet na abandonadong coco lumber ang narekober ng mga kapulisan sa Brgy. Tibiawan, Makato.
Batay sa report ng kapulisan, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may mga inabandonang coco umber sa So. Manggatong, sa nasabing brgy.
Pinuntahan nila ang lugar at doon nakita ang coco lumber na may iba’t-ibang sukat at tinatanyang umaabot sa halagang P23, 210.
Inusisa ng mga kapulisan kung sino ang may ari nito at kung may kaukulang permit ito pero walang umamin at wala umanong nakakaalam.
Dahil dito, dinala nila ito sa himpilan ng kapulisan para i-turn-over sa Philippine Coconut Authority.
Continue Reading