Connect with us

Aklan News

P2500 na multa sa mga manggagawa sa Boracay, tuloy pa rin sa kabila ng kaliwa’t-kanang reklamo

Published

on

Photo| https://visayas.politics.com.

Boracay Island – Pinanindigan ni Acting Malay Mayor Frolibar Bautista na itutuloy nila ang implementasyon ng 2,500 na multa sa mga manggagawa sa Boracay na may nagpaso o walang Health Card.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Bautista, hindi aniya maaaring isuspende ang implementasyon dahil malinaw na nakalagay sa Chapter 14, Section 77 ng Municipal Ordinance No. 312 o “An Ordinance Enacting the Sanitation Code of the Municipality of Malay” ang naturang penalidad kapwa sa mga employers at employees.

Dapat umanong i-check ng mga manggagawa ang kanilang health card at i-renew bago ang expiration date nito para wala silang bayarang multa.

Sa ngayon ay nakadepende umano sa Sangguniang Bayan kung aamyendahan nila ang Sanitation Code.

Kung maaalala, ilang manggagawa ang nagrereklamo dahil sa sobrang laking singil sa mga kagaya nilang may minimum wage lamang na 395/day.