Connect with us

Aklan News

P283.6 MILLION NA HALAGA NA MGA PROYEKTO SA BAYAN NG KALIBO, MATUTULOY NA

Published

on

Tuloy na tuloy na ang ilan sa mga pangunahing proyekto sa bayan ng Kalibo na nagkakahalaga ng P283,602,000 pesos na bahagi ng mahigit P600 million na standby credit facility ng lokal na pamahalaan sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Ito ay matapos idineklara ng Aklan Sangguniang Panlalawigan na Operative in their Entirety ang appropriation ordinance no. 2021-049 ng Sangguniang Bayan ng Kalibo batay sa rekomendasyon ng Committee on Appropriations, Budget and Finance and Ways and Means.

Ang nasabing appropriation ordinance ay para sa pagpapagawa ng municipal quarantine facility, COVID-19 facility para sa 16 na barangay, 3-storey building , Drop-in center for women and children, motor pool building at multi-purpose building.

Kasama rin sa mga inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang appropriation ordinance no. 2021-050  na nagkakahalaga ng P2, 670,000 pesos at ordinance no 2021-051 na nagkakahalaga naman ng P1.8 million pesos para sa collective negotiation agreemenet encentives ng mga opisyal at empleyado ng LGU Kalibo.

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, sinabi nito na kasama na sana dito ang limang palapag na modernong Kalibo Public Market kung walang mga bumabalakid sa ilang mga plano ng lokal na pamahalaan.

Naniniwala naman ang alkalde na sa kabila ng mga kinakaharap na mga problema kasama na ang banta ng COVID-19 ay matutuloy rin sa huli ang iba pang pinapangarap na proyekto ng kanyang administrasyon.