Connect with us

Aklan News

P3.3-million kabuuang premyo para sa mananalong tribu sa Sr. Sto. Niño de Kalibo ati-atihan festival

Published

on

AABOT ng mahigit P3.380 million na halaga ng premyo at special award ang inihanda ng LGU Kalibo para sa mga mananalong tribu sa Sr. Sto. Niño de Kalibo Ati-Atihan Festival na magsisimula sa Enero 8 hanngang 15.

Ayon kay Mr. Boy Ryan Zabal, Chairperson, Sub Committee on Sadsad and Parades ng Kalibo Ati-Atihan Festival Board o KAFEB, walong tribu ang kasali para sa Tribal Small, pito para sa Balik Ati, 11 sa Modern Tribal habang walo naman ang sa Tribal Big Group.

Gaganapin ang contest day para sa mga tribu sa darating na Enero 14, 2023.

Samantala, Labindalawang Local Government Unit (LGU) naman sa lalawigan ng Aklan ang magpapatalbugan sa gaganaping Higante Parade sa Enero a-12,

Magsisimula ang parada ng mga higante sa may ABL Sports Complex sa Capitol Site Kalibo at magtatapos sa Kalibo Pastrana Park.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng isang linggong selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2023.