Connect with us

Aklan News

P3.4M Community-Based Set Net for Sustainable Fisheries project, inilunsad sa bayan ng Malay

Published

on

Inilunsad sa bayan ng Malay ang Community-Based Set Net for Sustainable Fisheries project nitong Enero 11, 2023.

Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P3,450,000 million na pinondohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 Sustainable Livelihood Program.

Layunin nitong matulungan at madagdagan ang kita ng mga mangingisda sa bayan ng Malay gayundin na mai-angat ang industriya ng pangingisda.

Naglagay sila ng Lambaklad, isang Japanese concept na set net placed sa mga strategic coastal areas na magsisilbing trap sa mga migrating fish upang maging madali ang pag-harvest ng mga mangingisda.

Ikinokonsidera din ang naturang fishing method na mas magiging produktibo ito para sa pangingisda dahil mas madali na ito kumpara sa iba pang paraan ng pangingisda.

Sa pamamagitan kasi ng nasabing fishing method, maliban sa mas madali na, nasisiguro ang tamang huli, kaunti ang magagastos na gasolina ng mga mangingisda at paniguradong napi-preserba ang mga yamang-dagat./SM